Morales hinamon na si Marquez

PORMAL nang hinamon kahapon ni legend Erik “Terrible” Morales (51-6, 35 KOs) si Juan Manuel Marquez na humarap sa kanya anumang oras na gugustuhin nito.

Si Morales ay nanalo ng unanimous decision kaya naipagtanggol ang WBC Silver light welterweight title laban kay late sub Francisco Lorenzo (35-9, 16KOs) ng Dominican Republic sa Estadio Caliente sa Tijuana, BC, Mexico.

Gumamit ng pressure si Lorenzo laban kay Morales ngunit hindi umubra dahil mas matangkad ang huli.

Sa Campeche, Mexico naman, si dating world champion Jorge Arce (56-6-2, 43 KOs) ay umiskor ng first round TKO laban kay Adolfo Ramos (16-11-1, 10 KOs) sa sagupaan nila sa Estadio 20 de Noviembre.

Gamit ang kanang sapak sa ulo ay napabagsak ni Arce si Ramos sa oras na 2:06 kaya agad na hinamon ni Arce si WBO super bantamweight champ Wilfredo Vazquez Jr.  na harapin din siya sa ibabaw ng ring.

Kasabay nito, ang nakababatang kapatid na lalaki ni world champion Edwin Valero na si unbeaten super featherweight prospect Luis Valero (3-0, 3 KOs) ay nanalo sa pamamagitan ng knockout sa 39 seconds ng unang round laban kay Roger Samudio. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply