Mosley susunod na kalaban ni Pacman–Koncz

ITINAKDA na sa April 17, 2011 ang susunod na laban ni eight division champion at pound for pound king Manny Pacman Pacquiao at inamin ng Canadian adviser ng boksingero na malaki ang posibilidad na si Shane Mosley ang makaharap nito kung hindi matutuloy ang salpukan nila ni Floyd Mayweather Jr.

Ayon kay Michael Koncz masyadong mataas ang hinihinging fight purse ng Golden Boy Promotions na may hawak kay Juan Manuel Marquez.

“Marquez and Golden Boy can’t figure it out that Manny is the draw not Marquez, so I think they have overpriced themselves on that, and again, as Manny has said so many times, we have nothing to prove,” pahayag pa ni Koncz.

Tumanggi namang idetalye ni Koncz kung ilang porsyento sa fight purse ang hinihingi ng kampo ni Marquez.

Bukod kay Mosley at Marquez, nasa listahan rin ng posibleng makakalaban ng boxing superstar si WBC welterweight champion Andre Berto.

Ngunit kung si Koncz ang tatanungin, mas pabor itong si Mosley ang makalaban ni Pacquiao dahil mas kilala ito ng mga fans at mas kikita ito ng malaki.

Sa ika-32 kaarawan ni Pacquiao ngayong Disyembre, inaasahang dadalo si Top Rank promoter Bob Arum at posibleng dito na rin ihahayag ni Pacquiao kung sino ang kanyang pipiliin na makakalaban.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply