Mt. Bulusan muling nagbuga ng abo

Makaraan ang ilang araw na pananahimik, muling nagbuga ng abo na may taas na 500 meters ang Bulusan Volcano hapon ng Huwebes, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Coordinating Council.

Batay sa NDRRMC’s 4 p.m. report, naitala ang pagbuga ng abo bandang 2:17 p.m. na may 500 meters  ang taas mula sa bunganga ng bulkan.

“It was recorded as explosion-type earthquake which lasted for three minutes and the ash was grayish in color,”  ayon sa ulat.

Samantala, inilagay sa high alert ang government public works crews malapit sa Mt. Bulusan makaraang magbuga ng abo ang naturang bulkan.

Naglagay ng isang grupo ang Department of Public Works and Highway, Bicol regional office, na maglilinis  ng mga kalsada na maapektuhan ng posibleng pagbuga pa ng mga abo.

Nagpadala rin sa Maharlika Highway malapit sa Bulusan ng mga maglalagay ng mga warning device kung magkakaroon ng zero visibility.

Nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang Bulusan Volcano area.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply