Muling imbestigasyon sa Vizconde massacre, suntok sa buwan — VACC

MAGIGING suntok sa buwan na ang posibleng muling imbestigasyon ng Department of Justice sa Vizconde massacre.

Ito ang pahayag ng grupong Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa panayam sa dzMM kay founding Chairman Dante Jimenez.

Ayon kay Jimenez, kahit buo ang suporta nila sa naulilang biktima na si Lauro Vizconde sa paghahanap ng mga legal na opsyon upang makamit nila ang katarungan sa kaniyang pinaslang na mag-iina, napakahirap na umanong imbestigahang muli ito.

Mas mainam  ayon kay Jimenez na mapag-aralan na lamang mabuti ng Office of the Solicitor General (OSG) ang naturang kaso.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply