Mungkahing shoot to kill order kay Lacson, dedma sa DOJ

DINEDMA ng Department of Justice (DOJ) nitong Lunes ang mungkahing shoot to kill order kay Sen. Panfilo Lacson na siyang pangunahing suspect sa pagpatay kina publicist Salvador “Bubby” Dacer at sa kanyang driver na si Emmanuel Corbito noong November 2000.

Ani DOJ Undersecretary Francisco Baraan III, illegal ang mungkahi ni Mary “Rosebud” Ong, dating narcotics agent ng gobyerno.

Noong 2001, sumailalim si Ong sa Witness Protection Program ng DOJ matapos niyang akusahan si Lacson at iba pang police officers na sangkot sa mga aktibidad ng drug at kidnap-for-ransom syndicates.

Ayon kay Baraan, bagamat si Lacson ay itinuturing na pugante, ang karapatan ng senador bilang akusado ang nagbibigay sa kanya ng proteksyon para di masampahan ng shoot to kill order.

“He hasn’t been arraigned yet. The charges against him have to be proven in court… He still has his rights as an accused, and one of these rights is that his warrant has to be served against him,” ani Baraan.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Baraan na dapat pang paghusayin ng National Bureau of Investigation ang intelligence work nito para mahuli si Lacson.

Nabigong mahuli ng NBI ang senador sa ginawa nitong raids nitong Biyernes.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply