Museo para sa mga babaeng bayani, hiling ng Gabriela

ISINULONG ng Gabriela party-list group na magkaroon ng isang museum para sa kababaihan bilang pagkilala sa kabayanihan at pagtatagumpay ng mga Pilipina.

Ipinahayag nina Reps. Luzviminda Ilagan at Emerenciana De Jesus na importanteng malaman din ng mga bagong henerasyon ang naging papel ng mga Pilipina sa kasaysayan ng bansa.

Naniniwala ang mga mambabatas na sa pamamagitan nito ay mawawala ang diskriminasyon, oppression, at violence laban sa lahat ng babae, bata man o matanda.

Nakapaloob sa House Bill 1477, ang paghiling ng dalawang mambabatas sa suporta ng gobyerno para sa pagbuo ng isang national institution para lamang sa “heritage, heroism and martyrdom” ng mga Pilipina.

“Women’s historic contributions to Philippine civilization, nation and people should not go unvalued and unnoted leaving a gap in our country’s historical record,” ayon kay Ilagan.

Sinabi ni Ilagan, malaki rin ang nagawang papel ng mga Pinay sa pakikipaglaban ng mga bayaning Pilipino para makuha ang kalayaan, kapayapaan at pag-unlad.

Inihalimbawa nito sina Gabriela Silang, Tandang Sora, Teresa Magbanua, at Trinidad Tecson, na lumaban sa colonialism at pag-akupa ng dayuhan.

Hindi rin aniya pahuhuli sina Logia de Adopcion, Association de Damas dela Cruz Roja (Women’s Red Cross Association) at ang Association of Ilonga Feminists na pinangunahan ni Pura Villanueva Kalaw na nagsimula noong 1912.

“The suffragettes’ campaign took the form of lobbying government officials, holding rallies and conferences. Their efforts resulted in the passage of the suffrage bill in the Philippine Legislature in 1933, implementation of the Administration Code which allowed women to vote in 1935, and the ratification of women’s suffrage rights in a national plebiscite in 1937,” giit ni de Jesus.

Dagdag pa rito aniya ang mga babaeng nasa likod ng pakikipaglaban noong panahon ng martial law tulad ng mga aktibistangs I Liliosa Hilao, Jessica Sales, Lorena Barros at Puri San Pedro.

Sa ilalim ng panukalang “National Filipino Women’s Museum Act of 2010,” magkakaroon ng National Filipino Women’s Museum para kilalanin ang mga kontribusyon ng mga babae sa bansa.

Ang National Filipino Women’s Museum ay pangangasiwaan ng National Commission of Culture and the Arts (NCCA). Meliza Maluntag

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply