Nagtitinda ng commercial rice binalaan ng DA sa pagtataas ng presyo

NAGBABALA ang Department of Agriculture sa mga negosyanteng nagtitinda ng mga commercial rice na sasabay sa pagtaas ng bigas sa National Food Authority.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, handa silang magpalabas ng mga bigas upang madiskaril ang balak ng mga negosyanteng nagtitinda ng commercial rice na magtaas din ng kanilang presyo.

“Prices of commercial rice follow the law of supply and demand. If some traders jack up their prices, we will flood the market with lower-priced rice and they will find themselves selling at a loss,” ayon kay Alcala.

Nabatid sa isang report sa dzRH  na ilang brand ng premium commercial rice ay pumapatak na sa P40/kilo.

“Ayaw natin mag-compete ang pamahalaan sa private sector,” dagdag pa ni Alcala.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply