NAIA tutulong sa pagbuwag ng ‘Bundol Gang’

NAKAHANDANG  makipagtulungan ang pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pag-imbestiga ng pambibiktima ng sindikatong “Bundol Gang” sa mga balik-bayan.

Ayon sa NCRPO, tatlong security guard ng NAIA ang nagsisilbing “tipster” ng sindikato upang tukuyin ang posibleng biktima ng grupo.

Ayon kay Jose Honrado, NAIA general manager, makikipag-ugnayan ang kanyang opisina kay NCRPO director Chief Supt. Nicanor Bartolome upang mapag-alaman kung paano makatutulong ang mga awtoridad ng paliparan sa pagpapatigil sa operasyon ng sindikato.

Aalamin din nito aniya sa kanilang security agency kung may katotohanan ang natanggap niyang balita na hindi na pumapasok sa trabaho ang mga naturang gwardiya. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply