Nakaiinggit ang ex-HGC officials sa absuwelto

LUNGKOT at galit ang nababanaag ng publiko kay Pang. Noynoy Aquino matapos na tuldukan ng Korte Suprema ang Executive Order  No.1 nito na lumikha sa Truth Commission. Ang pagbuo ng Truth Commission ang isa sa mga pangako ni PNoy na gusto niyang tuparin para habulin ang mga tiwali sa rehimeng GMA at pagbubungkalin ang katotohanan sa mga ibinibintang na anomalya ng mga ito.

Yun nga lang “sablay” ang dekreto ni P-Noy sa mga mahistrado na ang mga posisyon ay ‘utang’ din nila kay GMA. Simple lang kung bakit kahit andyan ang Ombudsman ay binalak pa rin  ni P-Noy na likhain ang Truth Commission. Una, wala siyang tiwala sa mga opisyal nito lalo na kay Ombudsman Merceditas Gutierrez kung ang ‘past performance’ ng Ombudsman ang pagbabatayan. Dapat lang talagang pagdudahan  ang kakayahan nitong hubaran ang mga tiwali at tuldukan ang mga katiwalian.

Isang halimbawa ang kaso ni Sr/Insp. Rolando Mendoza sa Luneta noong Agosto 23 na may mga turistang dayuhan ang namatay. Na-buryong si Mendoza sa sobrang bagal ng Ombudsman. Usad-pagong ang ginawa ng Ombudsman sa kaso ni Mendoza at sa marami pang iba.

May reklamo rin na mistulang ‘Bicol Express’ naman ang ginawa nitong pagbasura sa kaso ng mga opisyal ng Home Guaranty Corporation sa pangunguna ng ex-president nito na si Gon-zalo Benjamin Bongolan. Mantakin ninyo, noon lang Hulyo sinampahan ng kasong katiwalian itong si Bongolan at mga kasabwat, ehek, kapwa opisyal niya pero lumakad lang umano ang mahigit na tatlong buwan ay ‘nabanlawan’ na agad  sila ng Ombudsman.

In short, lusot na ang grupo ni Bongolan sa kabila ng umabot sa P9B na pagkakautang ng HGC sa liderato ni Bongolan.

oOo

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 09189274764, 09266719269 o email: juandesabog@yahoo. com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply