Nawawalang kaanak ni Nonoy Zuñiga, natagpuan na

SA WAKAS  ay nagkita na sina Nonoy Zuñiga at ang singer na si Armie Zuñiga sa isang gig at maligaya si Nonoy dahil may isa siyang kaapelyido na nasa industriya rin ng musika.

Matagal ding hinangad ni Armie, Armida Zuñiga sa tunay na buhay, na makita at makausap nang personal si Nonoy dahil bukod sa idolo niya ang beteranong singer ng “Pilipinas Win na Win” ng ABS-CBN ay “kaanak” pa rin niya ito.

Dahil lahat naman ng tao ay magkakarelasyon at magkakapatid, iisang pisa lang, iisa ang pinagmulan.

“Nang pumasok po ako sa showbiz, ang isa sa mga hangad ko ay makita at makausap nang personal si Tito Nonoy,” pahayag ni Armie sa rehearsal ng kanyang concert na “Village Voices” sa Villa Castillo Hall sa Villa Castillo, San Pedro, Laguna sa December 18, 2010 sa ganap na alas otso.

“Gusto ko nga po na pag nag-concert ako ay si Tito Nonoy ang kasama ko. Pero parang impossible pa ngayon.

Napakalaking pangalan na niya at ako ay nagsisimula pa lang,” pagtatapat ng babaing Zuñiga.

***

Ayon kay Armie, ang unang itinanong sa kanya ni Nonoy ay kung sino ang kanyang ina at kung tagasaan siya.

“Sinabi ko pong taga-Calauag, Quezon ako at nagulat siya. Kaya lang, hindi na kami masyadong nakapag-usap nang matagal dahil ang dami-daming tao sa show na ‘yon ng isang businessman,” pagtatapat ni Armie.

“Basta kahit kung malayo man kaming magkamag-anak, natutuwa ako. Marami naman ng kaso ng magkakaapelyido na magpipinsan dahil ‘yong ibang mga ninuno, kung saan-saan lang parte ng Pilipinas nagpunta at nag-migrate,” paliwanag ni Armie.

***

Napakahusay umawit ni Armie at sa katunayan, kahit na sinong singer, foreign man o local ay kaya niyang kantahin mula kay Lady Gaga, Britney Spears, Beyonce Knowles, Zsa Zsa Padilla, Didith Reyes, Dulce, Imelda Papin, Maria Callas, Sylvia Latorre at marami pang iba.

Kaya hindi nga siya binibitawan ng beterano at pamosong musikero na si Nonoy Lopez kaya hanggang ngayon ay crooner pa rin siya ng Nonoy Lopez & His Orchestra.

Paboritung-paborito si Armie ng mga kliyente ni Nonoy sa Manila Polo Club, Makati Sports Club, Club Filipino at marami pang kinakantahang ballroom dancing o sosyalan ng Nonoy Lopez & His Orchestra.

Naging kaibigan na nga ni Armie sa pagkanta niya sa ballroom ang mga donya na sina Viring Ongkeko, nanay ng direktorang si Ellen Ongkeko-Marfil, Magdalena de la Paz, ang lady producer ng Magdalena Films, ang misis ni Mel Lopez at marami pang iba.

Pati sina Imelda R. Marcos at Tingting Cojuangco ay nakakabungguang-balikat ni Zuñiga.

Handa na ngang magsolo si Armie sa kanyang concert at handog niya ito kay Nonoy at sa lahat ng nagmamahal sa musikang Filipino.

Sam Concepcion, ambassador of BSP

Samantala, si Sam Concepcion ang Ambassador ng Boy Scouts of the Philippines, ayon sa prodyuser ng Exogain productions na si Donna Sanchez.

Bilib na bilib ani Donna si Jojo Binay, ang pambansang tagapangulo ng BSP kay Sam.

Pati na rin ang Department of Education o DepEd ay inendorso na rin si Sam bilang kinatawan ng Boy Scouts lalo na at bida ang batang aktor sa “Pinoy Scout.” Boy Villasanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply