NDF chief peace negotiator, balik Pinas

DUMATING nitong Sabado sa Pilipinas si National Democratic Front (NDF) chief peace negotiator Luis Jalandoni kasama ang kanyang asawang si Connie Ledesma.

Nakabalik si Jalandoni sa bansa mula sa The Netherlands isang araw matapos magkasundo ang gobyerno at ang mga komunistang rebelde na magdeklara ng 18-day ceasefire simula Disyembre 16 at magsimulang muli ang formal peace talks sa Pebrero 19-25, 2011 sa Oslo Norway.

Masaya siya sa pagbabalik sa bansa para sa isang family reunion, ani Jalandoni.

Ang mag-asawa ay sakay ng Cathay Pacific fliglight galing Hong Kong na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City.

Di tinuran ni Jalandoni kung hanggang kailan sila mamamalagi sa bansa.

Samantala, tiniyak ni Undersecretary Alex Padilla sa NDF leadership na nanatiling epektibo ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees.

Si Padilla ang hepe ng government negotiating panel na nakikipag-usap sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army.

Sinabi rin ni Padilla na tinaggal na ang bisa ng hold-departure order laban kay Jalandoni.

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply