“NGITING KAY GANDA” (NPC Director Mina Navarro-Tzu Chi Foundation Dental Mission)

BAGAMA’T kabi-kabila ang problema at krisis na kinakaharap ngayon ng maraming Pilipino, hindi ito dahilan para sumimangot.  Malaki ang nagagawa ng isang ngiti para pagaanin ang bigat na dinadala ng isang indibiduwal.

Sabi nga sa popular na awitin ni Rey Valera “Kahit na may pagkakukulang ka, isang ngiti mo lang limot mo na.”

Pero mas ‘confident’ tayong ngumiti kung maayos ang ating ngipin di ba?  Sa hirap ng buhay ngayon, gaano man naisin ng iba lalo na sa panig ng mga mamamahayag na magpapustiso,  para madgdagan ang tiwala sa sarili kaugnay sa kanilang trabaho, uunahin muna nila ang mailalaman sa  sikmura para maitawid ang gutom kasama ang iba pang miyembro ng pamilya.  Hindi ligtas dito an gaming mga kasamahan sa media.  Marami ang hindi nabiyayaan ng maayos na ngipin na sadyang mahalaga sa araw-araw na pakikisalamuha sa tao bahagi ng aming trabaho.

Dahil dito, inilunsad ni Ms. Mina Navarro-Diaz, isa sa iginagalang na director ng National Press Club (NPC), 2010-2012, at reporter ng The Daily Tribune/Balita, ang Ngiting Kay Ganda, isang Outreach Program para sa mga mahihirap na miyembro ng NPC na nais madagdagan ang kumpiyansa sa sarili sa pamamagitan ng pagpapapustiso.  Kasama din ang Press Power, Publishers’ Editors Federation of the Philippines at si NPC  Director Percy Lapid.

Siyempre, hindi ito magiging matagumpay kung wala ang iginagalang na Tzu Chi Foundation Philippines (TCFP) na siyang katuwang ng dental mission na ginanap sa Love Campus ng TCFP sa Bacood, Sta. Mesa Manila.

Sa pangunguna ni Mr. Alfredo Li, TCFP Chief Executive Officer, Dr. Drenan Uy, dental staff at iba pang dentista, volunteers at dental aides ng foundation, inaasahang makangingiti na ng ‘major-major’ ang tinatayang 30 mamamahayag na kasapi ng NPC. Ito’y maituturing nila na pinakamagandang regalo sa pagpasok ng bagong taon.

Hindi matawaran ng unang grupo ng media na sumalang sa naturang joint dental mission ng NPC at Tzu Chi Foundation Philippines ang kanilang kasiyahan dahil sa wakas magkakaroon na ng katuparan ang kanilang pangarap na magka-ngipin at masilayan ang ‘Ngiting kay Ganda’.

Nitong Sabado, umabot sa 59 pasyente na naman ang natulungan ng TCFP na nagpabunot ng ngipin at 11 naman mula sa NPC para sa denture.

Kasabay nito, nagsagawa din ng ukay-ukay ang foundation sa Twinville, Nangka, Marikina City na umabot sa P125,000 mula sa personal na donasyon ng mga miyembro nito.  Ang pinagbentahan nito ay idino-donate din nila sa foundation para pang-dagdag sa pagtulong sa mga nangangailangan.

Ang foundation

Ang TCFP ay isang non-government organization, Buddhist Foundation na nagsimula sa Taiwan noong 1966 sa pangunguna ni Master Cheng Yen.  Mula sa 30 donors nito, patuloy itong lumawak sa iba’t-ibang mga bansa kasabay ng pagdami din ng volunteers.

Kamakaailan ay ipinagdiwang sa Pilipinas ang ika-16 na anibersaryo nito na hindi na rin matawaran ang patuloy na pagdami ng Filipino volunteers.

Ang TCFP ay patuloy na nagbibigay pag-asa sa mga nangangailangan mula sa gamot, pakikipagkapwa, edukasyon at maging sa kapaligiran.

Naniniwala ang foundation na makakamit ng mundo ang kapayapaan kung ang bawat isa ay maayos na nakapapamumuhay at malayo sa pagkainggit sa bawat isa.

Layunin nito na pagaanin ang buhay ng bawat isa at matuto na tumulong din sa mga nangangailangan.

“Kind words are like perfume, if you spray it on others, a few drops will stay on you”,  ayon kay Master Cheng Yen.


Sa uncles, aunties, volunteers ng TCPF, maraming salamat sa walang sawang suporta sa mga Pilipinong lumalapit sa inyo.  Sana hindi kayo magsawa sa inyong pagkakawanggawa. Linda Bohol/photos by: Pete Garcia and Edna dela Fuente

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply