NPC Christmas Party

ISANG simple, maayos at masayang Christmas Party ang inihandog ng pamunuan ng National Press Club (NPC) at Alyansa ng Filipinong Mamamahayag (AFIMA) na dinaluhan ng mahigit kumulang sa 1,000 mga miyembro nito bilang pagsasama-sama sa paghihiwalay ng taon.

Simple dahil walang masyadong celebrities na inimbitahan maliban sa grupo ng Banyuhay, ang banda na pinangungunahan ng iginagalang na singer-composer na si Heber Bartolome.

Hindi napigilan ang audience na sabayan ang banda habang inaawit ang

“Tayo’y Mga Pinoy”, bilang pagsang-ayon sa liriko ng awitin.

Tampok sa programa ang Christmas Carol Contest na sinalihan ng PNP, Quezon City, Manila Police District, Pasay Tri-Media Presscor at Remate Tonight editorial.

Tinanggap ng Pasay group ang P10,000 bilang 1st prize, at nasa ikatlong pwesto naman ang Remate editorial na tumanggap ng P3,000.

Lima lang ang orihinal na miyembro ng Remate group: Gwenn Salamida, Marjorie Flores-Dacoro, Carol Claudio, Remate online editors at si
Bineza Zapanta.  Last minute, humabol sina Joe Torres, Editor in Chief at Fort Nicolas, Remate Tonight Managing Editor.  Ayaw talaga nilang pumayag na hindi sila kasali sa pagrampa.  Hindi ako makapaniwala, sa loob ng halos 30 minutong rehearsal bago ang show ay naperfect na nila
ang kanilang awitin.

Maganda ang ‘blending’ ng boses hindi naman dahil mga kasama ko sila. Kaya lang talagang ganun sa mga contest may nananalo at may natatalo.

(Sour graping??? Huh!  Hindi naman masyado.  Congrats sa Pasay group kasi may choreography sila noh!)

Medyo nalungkot lang ako ng konti habang pinagmamasdan ko ang ibang mesa. May mga pagkaing natira samantalang wala na halos naabutan ang
mga huling dumating.

Sana sa mga susunod na okasyon, isaisip ng bawat indibiduwal na kumuha lamang ng sapat na pagkain.  Iyong kayang ubusin para walang nasasayang.  Alalahanin natin na maraming mga bata ang hindi nakakakain ng masarap at sumasala din sa oras dahil sa kahirapan.

Sa Christmas message ni Sen. Loren Legarda, ipinaaabot nito sa publiko na bukod sa i-observe ang pagiging environment-friendly sa pagdiriwang ng Kapaskuhan, magtipid at huwag maghanda ng labis na pagkain para
maiwasan ang pagsasayang.

Naging maayos din ang raffle time at halos lahat ng dumalong miyembro ng NPC ay nagkaroon.  Sa mga hindi nakapag-register na miyembro, sinikap pa rin ni NPC Pres. Jerry Yap na magkaroon ng maiuuwi.

Hindi man masasabing ‘bonggang-bongga’ ang party gaya ng mga nakalipas na taon, maayos at organized ito sa kabuuan.  Higit sa lahat, may mga papel na ginampanan ang bwat NPC official.  “In short nagtrabaho sila.”

Kina NPC Pres. Yap at AFIMA Pres. Benny Antiporda, congrats for the job well done.

Remate News Central year-end get-together

HINDI rin matatawaran ang makahulugang  Christmas Party ng Remate News Central ng taong ito. Isang simpleng salu-salo at bonding ng editorial
at staff ng Remate, Remate Tonight at Remate online.

Para sa amin, bagama’t simple, naging  mas ‘meaningful’ ang salu-salong ito kasama ang management sa pangunguna ni President&General Manager Evangeline Antiporda.

Ito ay bilang paggalang na rin sa hindi inaasahang pagkamatay ng aming kasama sa editorial na si Arnold Pajaron.  Nitong unang linggo ng
Disyembre ay ginulat kami ng balitang naaksidente siya, na-comatose ng
ilang araw at tuluyan nang namayapa.

Nagkaniya-kaniyang dala ng pagkain at konting regalo para sa exchange gift.  Nagkaroon ng parlor games at balewala sa lahat kung maliit man ang premyo nito dahil sa diwa ng pagkakaisa.

Hindi kailangang maging magarbo ang isang selebrasyon para maging masaya.  Ang mahalaga ay ang pagkakaisa at ang totoong diwa ng pagdiriwang.

Happy holidays! Linda Bohol

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply