Nubain isa na sa ‘dangerous drugs’

ANO nga ba ang Nubain?

Ang Nubain ay isang uri ng gamot na ginagamit para maibsan ang nararamdamang matinding sakit o ‘pain reliever’ gaya ng morphine.

Ginagamit din ito sa iba pang medikasyon bago o sa panahon ng operasyon (surgery), pagle-labor at mismong panganganak.

Ang Nalbuphine o mas kilala bilang Nubain ay nagtatrabaho sa ilang sentro ng utak upang pansamantalang payapain ang sakit na nararamdaman.

“Nalbuphine may block the effects of other narcotics and cause withdrawal symptoms in people dependent on narcotics. If possible, people who have recently used narcotics in high doses or for a long time should not use nalbuphine,” ayon sa health experts.

Naaabuso na ang gamot na ito na gaya ng shabu, rugby at iba pang droga na kabilang na ipinagbabawal na gamitin.

Nagtagumpay sina Sen. Vicente Sotto III bilang dating Chairman ng Dangerous Drugs Board at ng kaniyang deputy na si Atty. Paul Clarence Oaminal sa pagsusulong na ilagay sa ilalim ng klasipikasyon ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang Nalbuphine Hydrochloride o Nubain bilang isang ‘dangerous drugs’.

Pinagtibay ng DDB ang ‘reclassification’ ng Nubain nitong Disyembre 16.  “It will take effect after publication in a newspaper of general circulation and registration with ONAR (Office of National Registry), ayon kay Oaminal.

Sina Sotto at Oaminal ang nanguna sa pagsusulong ng  reclassification ng Nubain sa ilalim ng kanilang administrasyon bilang DDB chairman at vice-chairman.  Isinulong ang mga pagdinig sa isyu at nangasiwa ng isang Technical Working Group Report.

Ayon kay Dr. David A. Baron, addiction specialist na nakatalaga sa Argao Drug Rehabilitation Center, Cebu, ang Nubain ay labis na naabuso sa Central Visayas, partikular sa Cebu City sa loob ng halos dalawang dekada na at lumawak na sa lalawigan ng Cebu.

Sa ginanap na media seminar on Health Reporting “From Womb to Tomb” sa Banilad Cebu City, bahagi ng aktibidad ng media ang pagdalaw sa Argao Drug Rehabilitation Center na dating pinangangasiwaan ng National Bureau of Investigation (NBI) na ngayon ay nasa pangangalaga na ng Department of Health, sinabi ni Baron na sa isang pag-aaral, ang Nubain ay naaabuso na rin sa Cagayan De Oro City, Dumaguete, National Capital Region (NCR), General Santos City at iba pang urbanized cities.

Aniya, mismong ang mga doktor ay hindi rin ligtas sa paggamit ng Nubain dahil ito ay mabibili bilang ‘over the counter’ drug.

Sinabi pa nito na shabu ang maituturing na nangungunang droga pangalawa ang rugby at Nubain.  “Shabu is most addicting at mas masarap ang tama ng shabu,” ani Baron.

Aniya, ‘very lucrative business’ ang Nubain sa ngayon dahil sa talamak na smuggling nito papasok sa bansa.

Inirekomenda ni Baron ang mahigpit na surveillance o pagmomonitor sa mga parmasiya para malaman kung sila
ay patago na nagbebenta nito at sumailalim sa raid kung kinakailangan.

Dahil dito, sinabi ni Oaminal na wala nang dahilan ang hanay ng kapulisan para hindi arestuhin ang sinumang mapatutunayang ‘umaabuso’ sa paggamit ng Nubain, ang gamot na ‘medically used’ bilang ‘pain reliever’ para sa mga nagdadalantao.

Kasabay nito, umapela si Oaminal, dating vice-chairman ng DDB sa Cebu Provincial Board na magpalabas ng isang ordinansa.“An ordinance replicating the city ordinance of Cebu City as there are reports of abuse in the towns of Cebu. With the reclassification administration of the drugs unless by a duly licensed medical practitioner is now a crime with a penalty of life imprisonment.”

Nabatid pa nito sa kaniyang pagdalaw sa iba’t ibang rehabilitation centers sa bansa na marami na sa rehabilitation center residents ang maituturing na ‘dependent’ sa Nubain.

“Nubain abuse has been the justification of the Department of Health of the Harm Reduction Program, which is the distribution of syringes to drug users. The drug is administered through injection. Other users have introduced “milkshake” which is combining nubain with shabu,” ani Oaminal.

“Drug addiction is the most difficult to treat.  Mas malala ito kesa sa sexual addiction.  Pag-drug addict ka, kaya mong iwanan kahit gaano pa kaganda ang asawa mo,” giit pa ni Dr. Baron.  “You can’t change the person in the span of 7 mothns.  We treated our patients here on behavioral theraphy.  No medical treatment.”

Paano nagsisimula ang addiction?

Ayon sa health experts,  nagsisimula ang drug addiction sa pamamagitan ng isang  ‘experimentation’.

Halimbawa, dahil sa kyuryusidad, sinubukan mo at ng iyong mahal sa buhay ang paggamit ng droga dahil ginagawa ito ng iyong mga kaibigan sa paligid mo.  Posibleng nais mo din na pansamantalang makalimutan ang problema sa sarili, pamilya at iba pang gaya nito.  Sa unang tikim mo, posibleng pansamantala mong nakalimutan ang problema at naging maaayos ang takbo ng buhay mo.

Kaya muli’t muli mong sinubukan ang paggamit nito kapag may problema.

Habang nagtatagumpay ang ‘addiction’ mula nang nagsimula ka, at nagiging importante na ang paggamit ng droga, nakokompormiso na ang abilidad na supilin ito.  “What begins as a voluntary choice turns into a physical and psychological need,” ayon sa experts.

Pero ang magandang balita dito, ang drug addiction ay ‘treatable’.

Sa pamamamgitan ng suporta ng pamilya at mga mahal sa buhay, malalabanan ang mapinsalang epekto ng ‘addiction’ at mapanumbalik ang kontrol sa buhay. Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply