Nueva Vizcaya, nilindol

NIYANIG ng lindol ang Nueva Vizcaya na may magnitude-5.1 , Lunes ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang paglindol bandang 8:24 a.m..

Batay sa Phivolcs advisory, naitala ang epicenter sa may 6 km Timog-Kanluran ng Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ayon sa inisyal na report, naramdaman ang Intensity 4 sa Bayombong at Solano sa Nueva Vizcaya.

Wala namang nasirang ari-arian sa pagyanig ngunit posibleng makapagtala ng mga aftershocks.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply