Nuggets hinalibas ng Bobcats

SA PAMAMAGITAN ng 23 points ni Stephen Jackson ay nadurog ng Charlotte Bobcats ang Denver Nuggets 100-98 kaya nabigo si Nuggets coach George Karl na makuha ang kanyang 1,000th NBA win.

Kumana naman si Josh Smith ng season-high 34 points at pinasadsad ng Atlanta Hawks ang New Jersey Nets 116-101 kahapon.

Gumamit ng matitinding galaw si Smith gamit ang outside jumper at gayundin sa loob upang maipanalo ang laban ng grupo.

Si Thaddeus Young naman ay kumamada ng season-high 26 points sa panalo ng Philadelphia 76ers kontra Cleveland Cavaliers 117-97 kaya naitala nila ang kanilang ika-apat na panalo sa limang laro.

Samantala, si Richard Hamilton ay pinalayas sa court sa laro ng Detroit Pistons laban sa Houston Rockets.

Nabigyan si Hamilton ng double technical may 30 seconds bago ang halftime na ikinagalit ng referee.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply