Hotline para sa abusadong taxi drivers inanunsyo ng DOTC

DUMARAMI ang mga nagrereklamo sa mga driver ng taxi na nang-aabuso ng kanilang mga pasahero kung kaya nag-anunsyo ang Department of Transportation and Communication (DOTC) ng numerong maaaring tawagan upang pagsumbungan.

Ayon sa DOTC, kung nakaengkuwentro ng mga taxi drivers na nang-aabuso, maaari itong isuplong ng mga pasahero sa kanilang hotline na may mga numerong 7890 o mag-text 0918-8848484.

Nabatid kay DOTC spokesman Undersecretary Dante Velasco na nakatatanggap sila ng maraming reklamo kada sasapit ang Kapaskuhan hinggil sa mga pang-aabuso ng mga mapagsamantalang taxi drivers.

Malimit na reklamo ng mga pasahero ay  pagtanggi ng mga taxi driver na maisakay sila kung malayo ang patutunguhan.

Isa pang pangunahing reklamo ng mga pasahero ay ang pangongontrata ng mga ito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply