Nurse dinukot, lolo pinatay

ISANG nurse ang dinukot ng hindi mga nakilalang armadong kalalakihan habang pinatay naman ang lolo nito sa Zamboanga City.

Batay sa report ng dzBB’s, naganap ang insidente Martes ng gabi kung saan dinukot ng 10 armadong kalalakihan ang isang nurse na si Maria Cris Cuarto-Cruz, 21.

Nabatid na walang awang pinaputukan ng mga suspek ang lolo ng biktima na si Jesus nang pigilan nito ang mga kidnappers na tangayin ang kanyang apo sa Manicahan village.

Ayon kay Zamboanga City police director Superintendent Edwin de Ocampo, nagsasagawa na ang pulisya ng pursuit operations upang mabawi ang biktima at mahuli ang mga suspek.

Matatandaang  isang nurse din ang pinatay matapos halayin at minaltrato ng isang grupo sa Maguindanao noong Setyembre 25.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply