OFW deployment sa Korea puwede na

KAHIT nakaamba pa ang panganib sa Korea, patuloy ang deployment ng overseas Filipino workers (OFWs) sa  Katimugang bahagi ng naturang bansa simula Disyembre 7.

Ayon kay presidential spokesman Edwin Lacierda sa isang Malacanang statement, matutuloy na sa Disyembre 7 ang naantalang pagbiyahe ng mga 55 OFWs pa-Korea.

“Their departure has been reset to Dec. 7 depending on the security situation assessment to be submitted by (special envoy Roy) Cimatu,” ayon pa kay Lacierda.

Nakatakda sanang tumulak ang may 55 na OFWs sa South Korea noong Nobyembre 30 ngunit naantala bunsod ng kaguluhan sa Korean Peninsula.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply