Oil price hike, ipinatupad bago 2011

DALAWANG araw bago matapos ang 2010, humabol pa ang ilang kompanya ng langis sa ipinatupad na oil price hike ngayong Disyembre..

Ndakong 12:01 ng madaling araw ng Miyerkules, nagdagdag ng piso sa kada litro ng gasolina at 75 centavos naman sa krudo ang Pilipinas Shell.

Alas-siyete ng uamaga namana nagsimula ang Eastern Petroleum sa kanilang price adjustment.

Matatandaang ito na ang ikatlong beses na nagtaas ng presyo ang mga oil firm dahil na rin sa patuloy na paggalaw ng halaga nito sa pandaigdigang pamilihan lalo na ngayong taglamig.

Sa ngayon, umabot na sa P38 ang presyo ng kada litro ng krudo; P48.50 naman ang kada litro ng gasolina; at P46.50 ang sa kerosene. Johnny F. Arasga

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply