Oil spill natagpuan sa Batanes

ISANG makapal na oil spill na may sukat na 1.5hang 2 nautical miles ang natagpuan sa Batanes, malapit sa pinaglubugan ng Panamanian- cargo vessel noong nakaraang linggo.

Ayon ssa The Philippine Coast Guard (PCG), ito ang inisyal na resulta ng kanilang isinagawang air surveillance sa naturang lugar ngayong Lunes.

“The oil spill’s southern tip is at a far distance of 140 nautical miles from the northern tip of Ilocos and is deemed to have no direct or significant threat to the country’s coastline and marine environment as big and strong waves and prevailing northeasterly winds could naturally disperse and cause the oil spill to evaporate,” saad ng PCG sa inilathalang artikulo sa kanilang website.

Dagdag pa ng PCG, mahigpit na imomonitor ang naturang lugar upang masigurong hindi ito makapipinsala.

Samantala, patuloy ang paghahanap ng PCG at ng Taiwan Coast Guard sa 10 nawawalang Chinese crew ng lumubog na Panamanian cargo vessel MV Hong Wei.

Lumubog ang MV Hong Wei sank malapit sa Itbayat Island sa Batanes noong Biyernes kung saan 14 pasahero na ang naililigtas.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply