Ombudsman ginisa ni PNoy

GINISA kahapon ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang Office of the Ombudsman dahil sa pagpayag nito sa plea bargain agreement kay retired Gen. Carlos Garcia, ang dating comptroller ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, interesado si G. Aquino na malaman ang detalye ng “Garcia deal” at posibleng iparepaso ito.

Ani Valte, mismong ang Pangulo ay naniniwalang may matibay na ebidensiyang magdidiin sa dating heneral sa kanyang kaso.

Inakusahan si Garcia ng pangangamkam ng mahigit sa P302-milyon na pondo ng AFP habang ito ay nasa serbisyo pa.

Ipinag-utos din ng Pangulo kay Executive Secretary Paquito Ochoa na ipa-review ang nasabing plea deal.

Nauna rito ay nagpahayag ng pagkadismaya si Pangulong Aquino nang payagang makapaglagak ng piyansa at makalaya si Garcia.

Samantala, maaari umanong idaan ng Malakanyang sa Office of the Special Prosecutor (OSP) ang kagustuhan ng Pangulo na harangin ang “Garcia deal.”

Ani Sen. Chiz Escudero, saklaw ng Sandiganbayan ang kaso ng heneral at wala na ito sa hurisdiksyon ng ehekutibo.

Muli namang ipinanukala ng senador sa AFP na i-outsource nito ang paghawak ng comptrollership ng kanilang pondo.

Ani Escudero, malaki ang matitipid ng pamahalaan sa pagbabayad ng sahod at benipisyo ng mga sundalong “staff work” ang ginagawa. Sinabi naman ni Deputy Special Prosecutor Jesus Micael na nasa korte ang desisyon kung papaboran ang kasunduang pinasok ng gobyerno sa kaso ni Garcia. N. Villafania

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply