Oplan ‘Isnabero’ vs abusive taxi drivers, pinalakas

PINALAKAS ng Department of Transportation and Communications (DOTC) at Land Transportation Office (LTO) ang kampanyang “Oplan Isnabero” laban sa mga pasaway at abusadong taxi driver sa Metro Manila.

Muling binalaan ng DOTC ang mga taxi driver na nangongontrata at namimili ng pasahero lalo na sa mga panahong ito na kasagsagan ng pamimili ng publiko para sa Kapaskuhan.

Ani DOTC Undersecretary Dante Velasco, kung dati ay kailangan pang humarap sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at LTO ang mga pasahero, ngayon ay maaaring tumawag o mag-text na lang sila para maaksyunan ang kanilang reklamo.

Ang reklamo ay maaaring ipahatid sa DOTC hotline number 7890.

Maaari ding tumawag o magtext sa 0918-884-8484 at ipagbigay-alam ang plate number ng taxi unit.

Nitong Martes, ilang abusadong taxi drivers ang nahuli sa mga malls sa Metro Manila ng pinagsanib na puwersa ng LTO, DOTC, at adjudication boards sa Ninoy Aquino International Airport.

Ang taxi driver na mapapatunayang namimili ng pasahero ay papatawan ng multang P600 at dalawang buwang suspension sa trabaho. Santi Celario

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply