P.5 million bag regalo ni John Lloyd kay Shaina

ISINIWALAT ni John Lloyd Cruz na nahihiya siyang dalawa lang sila ni Shaina Magdayao na manood ng kanyang movie na ‘My Amnesia Girl’. Hindi pa raw napapanood ng kanyang girlfriend ang naturang pelikula.

“Nung una, inaantay niya ako na sabay kami manood. Nu’ng  nagka-time na kami, nag-back out naman ako kasi parang hindi ko kaya na andun ako sa cinema tapos may mga taong iba, hindi ko mapaliwanag eh. Siguro kung kasama ko yung ibang cast at staff baka puwede pa, pero kung kaming dalawa lang, nahihiya ako eh,” sey niya.

Anyway, usap-usapan din na umabot ng kalahating milyon ang bag na regalo ni Lloydie sa girlfriend ngayong Christmas. Hindi alam ng actor kung paano lumabas ito.

-000-

Piolo Pascual, hindi mag-o-ober da bakod sa TV5

BUONG ningning na  nag-deny  si Piolo Pascual sa isyung mag-o-ober da bakod siya sa TV5. Hindi nga raw niya alam kung saan ang TV5 na matatagpuan lang sa San Bartolome, Novaliches.

Sa ‘Paparazzi’ ay nag-announce din si ‘Nay Cristy Fermin na dalawang TV executives ang lilipat at magiging Kapatid na.

Hinuhulaan  na sina Deo Endrinal at Maria Resa ang mga ito pero nananatiling hulaan blues pa lang ito.

Abangan na lang!

-0o0-

Speaking of Piolo Pascual, maraming salamat  sa pagsi-share niya ng blessings sa PMPC carollers. Marami ang ginulat si Papa P sa mga reporters sa sobrang  pagiging paboloso niya ngayong taong ito.

Isa pa  sa bonggang-bongga ngayon ay si Billy Crawford at Nikki Gil.

Marami nga namang shows  ngayong taong ito si Billy at  maganda ang career  kaya  fabulous kung fabulous ang drama niya.

Of course,  sa lahat ng tinapatan namin, maraming-maraming salamat po sa inyo.

-0o0-

The height ang  male singer na ito dahil may sakit na siyang kalimot.

May edad na rin kasi kaya laging nawawalan ng gamit.

Nu’ng una nawalan ito ng gadget at pinagbintangan niya ang  isang kasamahan sa trabaho.

May tsismis na naiwan pala niya sa kinainan niyang restoran sa Timog at binalik sa kanya. Pero dahil may pinagbintangan na, hindi na inamin na binalik sa kanya dahil may taong napahiya na.

May nabalitaan na naman kami na nawalan na naman ng gamit ang magaling na male singer.

Hay naku, dala  na talaga ng katandaan.

Sino ang male singer? Basta ang show niya ay napapabalitang masisibak na…

‘Yun na! Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply