P-Noy ipinakilala na ang babaing idine-date niya

IPINAKILALA na ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa kaniyang pamilya ang babaing kasalukuyang niyang idine-date.

Ayon sa panayam ng dzMM kay Kris Aquino, ipinakilala na sa kanila ng Pangulo sa Christmas party kagabi ng mga security at household staff si Len Lopez na idini-date nga niya sa kasalukuyan.

Inihayag naman ni Kris ang pagkagusto niya kay Len dahil sa pagiging friendly nito at marunong makisama.

Dahil dito, masaya si Kris dahil malaki na ang posibilidad na ganap nang maging makulay ang usaping puso ng kanyang kuya Noynoy.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply