P-Noy nahabag kay Vizconde

NAGPAHAYAG ng matinding pagka-awa si Pangulong Benigno Aquino III kay Lauro Vizconde at umaasang maibibigay pa rin ang hustisya sa loob ng isang taong nalalabi sa prescription period.

Sa isang panayam sinabi na rin ng Pangulong Aquino ang kanyang pagkahabag kay Lauro at umaasang maibibigay pa rin ang hustisya sa loob ng isang taong nalalabi sa prescription period.

“Ako kahapon, nakita ko si Ginoong Lauro Vizconde. Talagang parang mahirap isipin na  namatayan  ka ng buong pamilya mo, tapos akala mo ay nakamtan mo na ang katarungan, tapos ngayon ay balik na naman tayo sa square one. Kung tama iyong desisyon ng  Korte Suprema, mayroon pang sinasabi na one year na lang iyong prescription period na kung saan mahuhuli  mo kung sinuman ang salarin talaga. Mayroon pa palang dalawa doon sa nahuli originally na never naipasailalim sa  kulungan. So, talagang awang-awa po ako kay Ginoong Vizconde,” ani Aquino.

Kahit papaano aniya ay lumakas ang loob ni Lauro Visconde na magkaroon pa rin ng resolusyon sa kaso sa pagmasaker sa kanyang pamilya.

Ayon kay  Mr. Vizconde na nakatanggap siya ng text mula sa isang government official sa posibilidad na reinvestigation sa kaso.

Tumanggi namang pangalanan ni Mr. Vizconde kung sino ang nag-text sa kanya.

Pero may lumabas na report na nag-text din umano kay Lauro ang Pangulong Noynoy Aquino upang ipaabot ang pakikisimpatiya sa kanyang nararamdaman matapos na wala pa ring makamit na hustisya sa halos 20 taon mula nang mangyari ang karumaldumal na krimen.

Samantala, kumpiyansa ang Malakanyang na mabibigyan din ng hustisya si Lauro Vizconde sa loob ng natitirang anim na buwan kung agad na sisimulan ng Department of Justice (DoJ)  ang imbestigasyon ng Vizconde Massacre.

“As a lawyer eh. Six months, it can be done. But you have several factors to consider as well in any investigation: availability of evidence, availability of witnesses,” ayon kay  Deputy Presidential spokesperson Atty. Abigail Valte.

Nauna nang pinaboran ng  Malakanyang na muling buksan  ang Vizconde massacre case makaraang ipawalang-sala ng Korte Suprema ang mga suspek na si Hubert Webb at 6 na iba. Kris Jose

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply