P1.6 trilyong budget para sa 2011 nilagdaan ni PNoy

OPISYAL nang nilagdaan nitong Lunes ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang P1.645 trilyong national budget para sa 2011.

Sa nakaraang 11 taon, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nilagdaan ng isang pangulo ang pambansang pondo sa parehong taon na ang general appropriations measure ay isinumite ng Kamara sa Palasyo.

“The budget is the most important act of any Congress. Its early passage means that the much-needed programs for poverty alleviation and development can be implemented earlier,” anang Pangulo sa isang pahayag.

Nakapaloob sa pondo ang P21 bilyong alokasyon para sa conditional cash transfer program ng Department of Social Work and Development at ang P1.2 bilyong confidential intelligence fund ng Office of the President na di sasailalim sa audit.

Binigyang-diin ni Aquino na ikakasa ng kanyang administrasyon ang zero-based budgeting approach sa 2011. Ibig sabihin, ang pondo sa bawat proyekto o aktibidad ay dapat munang i-justify bago aprubahan ang paggasta nito.

Sa paliwanag ni Budget Secretary Butch Abad, sa nasabing approach, maaaring bawasan o tuluyang alisin ang pondo para sa isang proyekto kung ito “ineffective, inefficient, or fraught with leakages.

Maaari rin aniyang dagdagan ang pondo para sa proyekto kung ito ay “well-performing and are critical for development.”

Sinabi ni Abad na ang social services sector ang nakakuha ng 34.1 percent ng pondo. Nakatanggap ito ng dagdag na 16.8 porsiyento mula sa 2010 budget. Ang sektor na ito ang may pinakamataas na dagdag na pondo sa lahat ng sektor.

Ayon kay Senate Finance Committee chairman Franklin Drilon, nakapaloob sa 2011 budget ang dagdag na pondo katulad ng:

  • P110 milyon para sa maintenance at operating expenses ng 80 state university at colleges
  • P8 milyon sa budget ng Office of the Vice-President;
  • P200 milyon para sa subsidies ng Local Government Units;
  • P590 milyon para sa budget ng Kongreso at milyon naman para sa budget ng Senado.

Kris Jose

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply