P162-toll hike sa SLEX tuloy na

TULOY na ang pagtataas ng toll sa South Luzon Expressway ngayong Bagong Taon, ayon kay Alma Tuazon, tagapagsalita ng South Luzon Tollway Corporation.

Nagbabayad sa ngayon ang mga motorista ng P87 para sa toll mula Makati-Alabang hanggang sa Calamba, at karagdagang P22 hanggang sa Sto. Tomas Batangas.

Ani Tuazon sa P87, P65 ang kinokolekta ng Skyway Corp. at P22 lamang ang napupunta sa kanila na katumbas ng P0.76 sentimos kada kilometro.

Bagamat P3.02 kada kilometro ang inaprubahang increase ng Toll Regulatory Board, P2.68 kada kilometro lamang ang ipatutupad ng SLTC.

Gayundin, Disyembre 31 ng alas-10 ng gabi magiging epektibo ang increase ng TRB ngunit ginawa nila itong Enero 1, ng alas-6 ng umaga.

Maniningil ng P97 sa Alabang-Sto. Tomas, Batangas na may kabuuang mahigit 36 kilometro. Magiging P162 ang kabuuang bayarin dahil kasama ang P65 na toll na kinokolekta ng Skyway.

Sinabi ni Tuazon na ginagamit sa ngayon ng mga motorista ng libre ang binuksang extension sa SLEX papuntang Sto. Tomas, Batangas.

Binigyan-diin ni Tuazon na ipatutupad ang P2.68 increase kada kilometro hanggang sa makarekober sa kanilang ginastos sa rehabilitasyon at konstruksyon ang SLTC. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply