P80B kada taon, nawawala sa Pinas dahil sa kalbong gubat

WALONG bilyong piso kada taon ang nawawalang kita ng Pilipinas dahil sa kawalan ng kakayahan ng gobyerno sa reforestation at pagpigil sa illegal logging, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

“We are losing this musch every year for not developing them (forests). You have assets that are not moving forward,” ani DENR Secretary Ramon Paje nitong Martes.

Aniya, tinatayang walong libong ektarya ng kagubatan ang di napapakinabangan ng maayos dahil sa illegal logging at illegal mining.

At di lamang malaking kita ang nawawala sa bansa ayon kay Paje. Ang mga nasabing mga ilegal na aktibidad ay nagiging sanhi rin ng malalang polusyon ng kalikasan.

“May dala rin itong carbon dioxide emissions na malaki ang epekto sa pag-init ng temperature…Nagiging sahi rin ito ng…pagbaha at pagguho ng lupa,” anang kalihim.

Aniya, maaaring maging solusyon sa nasabing suliranin ang mga proyekto sa ibang bansa tulad ng sa Malaysia at Indonesia kung saan pinasimulan ang massive reforestation, plantation forests, at carbon credits, para kumita ng pera.

May plano ang DENR na magpatupad ng mas komprehensibong Arbor Day sa 2011 para masimulan ang rehabilitasyon ng kagubatan, ayon kay Paje.

Isa sa mga hakbangin ng DENR ay iparating sa publiko ang malalang problema sa deforestation.

Bagama’t ipinagdiriwang ang Arbor Day tuwing Hunyo 25, mangilan-ngilang organisasyon lamang ang sumasali sa pagtatanim ng puno, ayon sa kalihim. Robert C. Ticzon

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply