Budget for birth control pills, tsinugi sa Senado

WALA nang pambili ng pills at injectibles ang Department of Health (DOH) sa susunod na taon matapos tanggalin ng Senado ang P872 milyong panukalang budget para sa contraceptives.

Tanging pinayagan lamang ng Senado ang panukalang budget para sa pambili ng condom na nagkakahalaga ng P 8 milyon.

Inamin ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III na siya ang nangulit para tanggalin ang panukalang budget para sa contraceptives tulad ng pills at injectibles

Aniya, labag ito sa Article 2, Section 12 ng 1987 Constitution kung saan nakasaad dito ang papel ng Estado na, “It shall equally protect the life of the mother and the life of the unborn from conception.”

“Ako lang ang nakalusot na cut sa budget,” ani Sotto.

Umaabot sa P32.627 bilyon ang hinihinging budget ng DOH para sa susunod na taon. Pero dahil sa tinapyas na ang P 872 milyon ay P 31.755 bilyon na lamang ang natira rito.

Sinabi ni Sotto na ang tinapyas na budget ng DOH ay inilipat sa State Universities and Colleges(SUCs) sa halagang P 143 milyon at P 211 milyon para sa scholarships, habang ang butal ay ihahanap pa kung saan ililipat.

Nitong Miyerkules ng gabi, inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang P 1.6 trilyong budget ng administrasyong Aquino para sa 2011, kung saan inaprubahan ng walang bawas ang P21 bilyong alokasyon sa conditional cash transfer ng Department of Social Welfare and Development. Ernie Reyes

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply