Paano ba sasabihin ang Merry Christmas?

NAPAKAHIRAP ang taong ito kaya naman napakahirap ding bumati ng Merry Christmas sa kanino man.

Subalit ang hirap ay hindi dapat na tingnan na pabigat kundi isang hamon sa buhay. Kaya ito ang ating panghahawakan sa pagbati ngayong Kapaskuhan.

Tulad ng mensahe ng pagkakapanganak ng Tagapagligtas na si Jesus, kailangang makita ang kinabukasan na may pag-asa.

Hindi tayo dapat na magmukmok sa hindi magandang kalagayan.

Ipinanganak si Jesus sa sabsaban. Oo pero sa huli, siya itinanghal na hari na  ginhawa at saya ang inihahatid sa kanyang mga nasasakupan.

Kung sa kanyang paglaki ay pawang kamalasan ang dala niya at ang kanyang buhay ay hanggang doon na lang sa pagkakapako niya sa krus at ginawa natin siyang idol, marahil, walang kabuluhan ang Pasko.

At kung mahirap ang Kapaskuhan ngayon, huwag tayong gaanong umasa ng pagbabago.

Subalit iba talaga ang pagkakapanganak na galing sa sabsaban na sa bawat araw ay unti-unting nagpabago ng buhay ng iilang tao hanggang umabot sila sa milyon-milyon o kasing dami ng mga buhangin sa dalampasigan.

Dito nagkakaroon ng halaga o diwa ng Pasko. Kaya naman, sa gitna ngayon ng kagipitan, dapat masiglang gawing pagbati ang Merry Christmas.

May gagawin nga lang ng lahat.

Hindi sapat ang pagbati sa isa’t isa ng Merry Christmas. Tulad ni Jesus na naging Kristo o hari sa kalaunan, kailangan ang pagsusumikap at pagtitiyaga sa lahat ng ating pinapangarap at ginagawa.

Bawat araw, bawat oras ay dapat ituring na ginto. May halaga, mahalagang-mahalaga. Walang oras na dapat sayangin.

Siyempre pa, kung kinakailangan ng pahinga, siguro’y ilaan iyon sa mga pag-iisip at pangangarap.

Ang bahagi niyon, na siguro’y pinamahalaga ay ang panalangin. Panalangin para sa pagpapasalamat sa bawat hakbang na ating magawa, pagpapasalamat sa tagumpay sa bawat pagsubok at pasasalamat sa pagkakaroon ng pag-asa kahit madilim pa ang tinatahak na landas.

Tunay pong Merry Chirstmas sa lahat.

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.

Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply