Pacman mamamasyal sa mundo gamit ang sariling jet

PAGDATING na pagdating sa bansang Japan ay tuwang-tuwang sinakyan ni 8-division world champion Manny Pacquiao ang kanyang bagong biling 32-seater jet plane na gagamitin niya sa pamamasyal sa iba’t-ibang bansa sa mundo.

Pumunta si Pacman sa Japan kasama ang asawang si Jinky at ang mga anak kung saan papasyal din sila sa Tokyo Disneyland at upang siyasatin na rin ang bagong biling eroplano.

Ang European-design airplane ay galing sa Germany at ito ay na-deliver na sa Japan para ma-inspeksyon ni Pacquiao kung saan nabayaran na umano ang kalahati sa presyo nito.

Sa Disyembre 30, lilipad umano ang mag-anak na Pacquiao gamit ang kanilang bagong biling eroplano papuntang Australia kung saan doon na sila magseselebra ng New year.

Sa Enero 8, babalik na ng Pilipinas si Pacquiao, gamit pa rin ang sariling eroplano, at sisimulan na umano nito ang paghahanda para sa nalalapit na laban kay 3-division world champion Sugar Shane Mosley sa Mayo 7 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply