Pacman mapapalaban nang husto kay Mosley –Roach

SIGURADONG mapapalaban ng husto si pound for pound king Manny Pacman Pacquiao kapag natuloy ang sagupaan nila ng matigas na si Sugar Shane Mosley na nagbanta na pababagsakin ang una sa loob ng ring.

‘Hindi niya ako dapat balewalain dahil ipalalasap ko sa kanya ang pinakamatinding laban na nararanasan niya sa kanyang boxing career,” ani Mosley.

Ayon kay Roach magiging maganda ang laban kung si Mosley ang mapipili ni Pacman na una ng nagpahayag na baka si Mosley na ang kanyang pipiliin.

Idinagdag ni Roach, kahit na may edad na ang 38-anyos na si Mosley mas mahirap itong kalaban kung ikukumpara kina Juan Manuel Marquez at Andre Berto.

“I think Shane’s going to train very hard for the fight. We never take any fight lightly… and if he’s the guy we’re fighting, we’ll be ready,” pahayag pa ni Roach.

Nakatakdang dumating ngayong araw sa Pilipinas si Roach at Top Rank promoter Bob Arum upang dumalo sa ika-32 kaarawan ng 8-division world champion at posibleng ihayag na rin nila kung sino ang makakalaban ni Pacquiao sa April 16 sa Las Vegas, Nevada.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply