Pacman pagsasabihan ni SB dahil sa pambabastos ng mga bodyguards

PAGSASABIHAN ng liderato ng Kamara si Sarangani Rep. Manny Pacquiao na pagdahan-dahanin ang kaniyang mga bodyguards sa pagtrato sa mga mamamahayag.

Sa isang press conference, sinabi ni House Speaker Feliciano “SB” Belmonte na sakaling makausap niya si Pacquiao ay pagsasabihan niyang ” dahan-dahan naman ang mga bata mo.”

Ito ay kaugnay sa reklamo ng isang TV reporter at dalawang TV crew na naunang siniko at minura ng nakatalagang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) kay Pacquiao nang i-cover ang tatlong diumano’y extortionists.

Ang dalawang dayuhan at isang Pinay ay ipinaaresto ni Pacquiao sa kaniyang tanggapan mismo matapos gamitin ang kaniyang pangalan sa promosyon ng kanilang organisasyon na nagkakampanya laban sa malaria at dengue.

Bagama’t hindi binanggit ang mga pangalan ng naturang PSG at isa pang bodyguard ay inihayag ni Belmonte na nagsumite na umano ng “sworn statement” ang inirereklamo sa Sgt. At-Arms.

” The principal involved has submitted sworn statement to General Nicasio Radovan,” ayon kay Belmonte.

Si Radovan na siyang sgt.-at-arm ng Kamara ay siyang naatasan ni Belmonte na magsiyasat sa usaping nabanggit. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply