Pacman wawasakin ni Mosley – Mayweather Sr.

TAHASANG sinabi ni Floyd Mayweather Sr. gugulpihin ni WBA welterweight champion Shane Mosley si eight-division champion Manny Pacquiao sa salpukan nila sa May 7 sa Las Vegas, Nevada.

Sa isang panayam kay Floyd  Sr., sinabi nitong nasasabik siyang makita kung papaano palalasapin ni Mosley ng kabi-kabilang atake si Pacman.

Ayon sa nakatatandang Mayweather, matagal na siyang nasa boxing scene at alam nito ang kahinaan ng isang boksingero.

Alam umano ni Floyd Sr. na masasaktan si Pacquiao sa mga suntok ng 39-anyos na si Mosley gaya ng pagkakasuntok sa kaniyang tagiliran sa laban kay Antonio Margarito.

Matatandaang sa laban nina Mosley at Floyd Mayweather Jr. noong Mayo ay natamaan ng isang solidong suntok si Floyd Jr. na siyang muntik na niyang ikabagsak.

Ilan lamang sa malalaking pangalan sa boksing na nakalaban ni Mosley ay sina Oscar de la Hoya, Winky Wright, Ricardo Mayorga, Antonio Margarito, Fernando Vargas at Floyd Mayweather Jr.

Ang Pacquiao vs. Mosley fight ay gagawin MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply