Pacquiao at Francisco next year?

MATAPOS yanigin ang international boxing scene, nagpahayag si newly-crowned WBA Interim super flyweight titleholder Drian Francisco na pangarap niyang makasama sa undercard sa susunod na laban ni Pinoy ring superstar Manny Pacquiao sa Amerika.

Kabilang sa mga maaaring iharap kay Pacquiao ay si Shane Mosley kung saan matunog din sina Andre Berto, Juan Manuel Marquez at Saul Alvarez.

“Isang malaking karangalan kung mapapabilang ako sa undercard ni Manny Pacquiao,” wika ng 28-year-old na pride ng Mindoro.

Kilalang Golden Fists, si Francisco ay may hawak na college degree at matatandaang pinabagsak sa round 10 si Thai hero Duangpetch Kokietgym dahilan upang makuha niya ang WBA title sa Bueng Kan,Thailand.

Nagpahayag din ang kampo ni Francisco na handa na itong lumaban sa mga malulupit na boksingero sa mundo.

Si Francisco na may kartadang 20-0-1, 16 Kos, tubong Sablayan, Occidental Mindoro, ay nakatakdang humarap sa mananalo kina Hugo Cazares (33-6-2, 24 KOs) at Japanese challenger Hiroyuki Hisataka (19-8-1, 8 KOs) na magaganap sa December 23 sa Osaka, Japan. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply