Pacquiao, Margarito pasado sa post fight drug test

Isiniwalat ng Texas Department of Licensing and Regulation na malinis at negatibo sina Manny Pacquiao at Antonio Margarito sa resulta ng ginawang post fight drug test sa kanila.

Pinalamon ni Pacman si Margarito ng suntok sa loob ng 12 rounds noong Nov. 13 at malinaw na hindi totoo na gumagamit ang Pinoy ng power enhancing drugs gaya ng ibinibintang ng mag-amang Mayweathers.

Sa isang interview, sinabi ni Daniel Petrocelli na parehong negative sa droga ang dalawang boksingero.

Malinaw na ipinaaalam lang kay Floyd Mayweather Jr. na mali ang akala niyang gumagamit ng droga si Pacman upang maging malakas at maliksi sa paglaban nito sa ring.

Naging interesado ang mga tao sa post drug test result dahil sa haka-hakang tumira si Margarito ng ipinagbabawal na droga na inihalo nito sa isang baso ng kape upang makatagal sa laban kontra kay Pacquiao.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply