Manny Pacquiao swak sa USSA athlete award

ISA si pound for pound king at Philippine congressman Manny Pacquiao sa labindalawang nominees para sa 2010 United States Sports Academy (USSA) Male Athlete of the Year.

Si Pacquiao ay una nang itinulak para sa nasabing parangal kahit noong makuha niya ang panalo kay Ghana’s Joshua Clottey.

Higit pang lumakas ang pag-asa ni Pacman dahil nanalo siya laban kay Mexico’s Antonio Margarito na dito’y nakuha niya ang 10 world titles sa 8 weight divisions.

Kasama sa mga nominees sina Drew Brees, Kobe Bryant (US, basketball),  Ashton Eaton (US, track and field), Roy Halladay (US, baseball), Jimmie Johnson (US, auto racing), Phil Mickelson (US, golf), Rafael Nadal (Spain, tennis), Cameron Newton (US, college football) at iba pa.

Dalawang Female Athletes din ang pipiliin at ang mga nominado ay sina Belgian tennis star Kim Clijsters, US golfer Cristie Kerr, US tennis star Serena Williams, Chinese weightlifter Li Ping at Korean figure skating sensation Kim Yu-na. Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply