Pacquiao vs Mosley sa May 7

SIGURADO nang matutuloy ang laban ni Manny Pacquiao kay Shane Mosley sa Mayo 7 sa susunod na taon.

Ayon kay promoter Bob Arum, gaganapin ang laban na ito ni Pacman sa Las Vegas na inaasahang tatabo ng malaki.

Subalit nilinaw naman ni Arum na hindi pa inaaprubahan ng mga abogado ni Mosley ang final paperwork para sa laban.

Sinabi pa ni Arum na ang gusto nilang mangyari sa welterweight fight ng dalawa ay gaganapin sa MGM Grand Garden Arena.

Dagdag pa ni Arum, mismong si Pacquiao ang pumili kay Mosley dahil itinuturing niya itong ‘most accomplished and famous boxer’.

Para umano kay Pacman, sa lahat ng mga kandidato ay mas magaling si Mosley kumpara kina Juan Manuel Marquez at welterweight champion Andre Berto. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply