Pagdurog sa korapsyon isama sa traffic summit

NGAYONG araw yata magkakaroon ng traffic summit para maayos na ang grabeng traffic sa Metro Manila.

Susundan pa raw ito ng iba pang mga meeting hanggang sa magkaroon na ng mga programa na tiyak umanong magiging solusyon sa grabeng trapik. Aba, okey tayo riyan.

Matagal nang problema ang trapik at nagiging pako na ito kumbaga sa mga sasakyan na bumibiyahe. Laging napa-flat ang mga sasakyan at hindi man lang makapunta o makarating sa tamang oras ang tao, pasahero at kalakal na sakay rito.

Buti na lang at nauso na ang cellphone at iba pang wireless na komunikasyon upang doon ganapin ang napakaraming transaksyon.

Pero hindi madadala sa tamang oras ng mga high tech na gamit sa komunikasyon lahat ng mga tao at kalakal na kailangan para sa pag-unlad ng ekonomiya at buong bansa.

Hindi rin pupuwede rito ang mga pinipirmahang papeles na kailangan para sa anomang transaksyon.

Tinitingnan natin, mga Bro, ang mga paksa ng usapan sa traffic summit.

Kapuna-puna ang kawalan ng programa laban sa korapsyon sa mga opisina ng pamahalaan at sa mga lansangan.

Tingnan ninyo. May mga away ng mga operator ng mga kompanyang bus ukol sa mga kolorum sa loob at labas ng Metro Manila at nasa Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga ito.

Wala yatang nangyayari at nananaig ang mga maiimpluwensiya.

Ipinahahayag mismo ng MMDA na sira-sira na ang traffic light system sa Metro Manila pero walang pondo para magawa at mapalitan ito dahil pinagnanakaw ang P48 bilyong road users tax na pupuwedeng pagkunan nito.

Sa mga kalsada, mas gusto pa ng mga traffic enforcer ang manghuli kaysa magpadaloy ng trapiko para sila magkakomisyon sa mga multa.

Wala namang humpay ang mga proyekto na gumugulo sa mga lansangan dahil nag-aagawan ang lahat ng mga opisyal ng pamahalaan sa mga kikbak dito.

Kung matutuldukan lamang ang korapsyon sa pamahalaan na may kaugnayan sa trapik, tiyak namang mabubunutan ng hindi pako kundi sinsil ang ulo ng mga kinauukulan sa kaiisip kung ano-ano ang kanilang gagawin.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply