Paggamit ng bata sa kilos-protesta ng kuliglig iimbestigahan

IIMBESTIGAHAN ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagbibitbit ng mga bata ng mga kuliglig drivers sa isinagawa nilang kilos-protesta.

Ayon sa panayam kay CHR Chairperson Etta Rosales sa DZMM , gaya sa Principle of Child Labor, ipinagbabawal ang paggamit ng bata sa isang kilos-protesta para lamang malaman ng madla at gobyerno ang kanilang hinaing. Dagdag pa ni Rosales, malalagay lamang sa panganib ang buhay ng mga paslit na kanilang bitbit.

Samantala, pinayuhan ni Rosales ang pulisya na sa gitna ng tumitinding tensiyon sa kilos-protesta, dapat manatiling kalmante ang mga pulis, habaan ang pasensiya, huwag padadala sa emosyon at maging mahinahon lagi kahit na galit na galit na sa mga makukulit na nagpoprotesta.

Hangga’t maaari aniya, huwag na huwag sasaktan ang mga nagpoprotesta at hulihin lamang ang mga ito kung kinakailangan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply