Paggamit ng P21-B CCT fund, babantayan

PARA maiwasan ang anomalya, tututukan umano ng Senado ang paggasta ng P21.1 bilyong conditional cash transfer (CCT) fund ng administrasyong Aquino na ipinagkatiwala sa Department of Social Work and Development.

Ito ang tiniyak nitong Lunes ni Senador Franklin Drilon sa binitiwan niyang mensahe matapos lagdaan ni President Benigno Aquino III ang P1.645 trilyong national budget para sa 2011.

“We thank our colleagues for the support that they have extended for the first Aquino budget. This is touted to be a reform budget and we will monitor closely its implementation, particularly the conditional cash transfer program,” ani Drilon.

Isang direktang pamamahagi ng cash grant ang CCT program ng Aquino administration.

Layunin ng programa na mabenipisyuhan ang 2.3 milyong households o kalahati ng tinatayang 4.6 milyong mahihirap na pamilya na nasadlak sa burak ng kahirapan.

Ang pondo sa ilalim ng programa ay di spoon-fed na ipapamahagi.

Ito ay ibibigay lamang kung ang mga benepisyaryo ay makakasunod sa mga kondisyong itinakda ng gobyerno tulad ng pag-aaral ng mga kabataan, regular na health check-ups, at pagbabakuna sa mga batang limang taong gulang pababa. Ernie Reyes

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply