Shellfish mula Bataan ligtas na

MATAPOS ang isang buwang pagbabawal sa pagkuha ng mga shellfish sa walong bayan ng Bataan, pinapayagan na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)ang pagkain ng mga naturang lamang-dagat.

Pinapayagan na ang mga manlalayag na kumuha at magbenta ng mga shellfish sa bayan ng Mariveles, Limay, Orion, Balanga, Pilar, Orani, Abucay, at Samal.

Dahil ditto, natuwa ang mga mangingisda sa naturang balita kung saan isang buwan ding naperwisyo ang kanilang pinagkakakitaan.

Inalis ng BFAR ang ban matapos makatanggap ng report na hindi na kontaminado ng red tide toxin ang coastal water ng Bataan.
Dagdag pa ng BFAR, ligtas nang kainin ang mga shellfish partikular na ang tahong at talaba.

Samantala, handa naman ang mga provincial authorities na tumulong sa mga naapektuhang mangingisda bunsod ng ipinatupad na ban.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply