Paglagda sa P1.6-T nat’l budget tiniyak

TINIYAK ng liderato ng Kamara de Representantes na malalagdaan na ang P1.645-trilyon pambansang budget para sa susunod na taon.

Sinabi ni House Majority Leader Neptali Gonzales Jr. na posibleng maisumite na ang kopya ng badyet para palagdaan kay Pangulong Benigno Aquino III bago mag-Disyembre 30, 2010.

Ito aniya ang kauna-unahang pagkakataon sa nakalipas na 11 taon na “on time” na pinagtibay ang pambansang pondo.

Kamakalawa ay maagang nag-adjourn ang Kamara matapos maratipikahan ang 2011 General Appropriations Act.  Meliza Maluntag

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply