Paglobo ng kumukuha ng lisensya sa paggawa ng paputok, pabor sa PNP

MAS pabor sa Philippine National Police (PNP) ang pagdagsa ng mga kumukuha ng lisensya sa paggawa at pagbebenta ng paputok

Ayon kay PNP Firearms and Explosives Division Chief C/Supt. Napoleon Estilles sa panayam sa DZMM, mas mainam sa kanila na dumarami ang humihingi ng permiso upang mas mabigyan nila ng diin ang seguridad kaysa dati na marami ang fly-by-night retailers at manufacturers na walang pakundangan kung ano ang gagawin.

Giit ni Estilles, mas maganda sa mga mamimili kung may permit ang mga nagbebenta nito dahil tiyak silang ligtas ang produktong kanilang binibili.

Inihayag ni Estilles na para sa mga gustong makapag-manufacture at magbenta ng paputok, kailangan makapagsumite sila ng requirements tulad ng permiso mula sa Department of Trade Industry (DTI), Mayor’s Permit, Local Police Clearance at dapat sumailalim sa safety seminar.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply