LPG price hike may pangatlo pa

MATAPOS ang dalawang beses na pagtaas ng Liquefied petroleum gas ngayong buwan ng Disyembre, isa pang pagtaas ang inaasahang magaganap ngayong  Kapaskuhan.

Nabatid kay LPG Marketers Association (LPGMA) president at party list Rep. Arnel Ty na hindi bababa ang presyo ng naturang produkto hanggang Pebrero 2011.

“LPG prices went up by another P3/kilo because international contract price has climbed to $143 per metric ton. That is equivalent to P7/kg adjustment in the local market,” ayon sa panayam kay Ty sa dwIZ.

Hindi naman nilinaw ni Ty kung kailan mararanasan ang  pangatlong beses na pagtaas ng LPG.
Nagtaas ng presyo ng P3.00 kada kilo ang naturang produkto noong Disyembre 1, at sinundan noong nakaraang Lunes sa parehong presyo.

Matatandaang inanunsyo ni Ty na makakaranas ng dalawang beses na pagtaas ng presyo ang LPG na magtatapos lamang sa buwan ng Enero sa susunod na taon.

“Ang December wala tayong magagawa riyan … Pagka ang tanong kailan bababa, maari itong bumaba mga Pebrero,” saad nito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply