Pagtaas ng presyo ng yosi, pinanukala sa Kamara

TIYAK na mabawasan na ang mga bumibili ng sigarilyo kung magiging batas ang inihaing panukala ni Iloilo Rep. Neil Tupas Jr.

Sa kanyang House Bill 3489, itataas ang presyo ng sigarilyo kada kaha hanggang P30 simula 2012 sa pamamagitan ng pagtataas ng excise tax ng produkto.

Para sa low-priced cigarette brands, P14.00 ang itataas kada kaha, samantalang P28 naman ang idadagdag para sa high-priced brands sa unang yugto ng pagtataas ng presyo ng sigarilyo.

Layunin ng panukala na ilagay sa universal health insurance ang 2.5 porsyento ng kabuuang excise tax collection.

Maglalagay din ng 2.5 porsyento ng koleksyon sa health promotion program ng Department of Health para matulungan ang mga nagkasakit dahil sa paninigarilyo.

Batay sa pag-aaral ng World Health Organization, lumiliit na ang bilang ng mga naninigarilyo sa mga mauunlad na bansa ngunit patuloy ang paglobo sa mga developing countries gaya ng Pilipinas.

Suportado ng mga health at civil society groups ang panukala ni Tupas.

Nanawagan ang mga grupong ito na taasan ang buwis sa tobacco dahil ito ay isang paraan ng pagliligtas ng maraming buhay. Meliza Maluntag

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply