Pagtatayo ng OFW bank iminungkahi ni Binay

IMINUNGKAHI ni Bise Presidente Jejomar Binay kay Pangulong Benigno Aqiuino III ang pagtatayo ng bangko para sa overseas Filipino workers (OFWs).

Ani Binay, mas murang remittance rates ang ihahandog ng panukalang bangko para sa OFWs.

“(It) will provide an alternative yet viable economic financial and remittance institution for our ‘kababayans’ at the local and international levels,” ani Binay, na siya ring presidential adviser for OFW concerns, sa isang liham niya kamakailan kay Aquino.

Ayon kay Binay, ito ang magiging solusyon sa mga hinaing ng OFWs sa napakataas na remittance rates na sinisingil sa kanila ng financial intermediaries at money brokers.

“The bank will provide fair competition towards the reduction/lowering of remittance/transaction costs and provide a productive outlet for our overseas Filipinos’ savings as bank investors and shareholders,” anang bise presidente.

Ang inisyal na pondo ng bangko ay manggagaling sa government financial institutions, ayon kay Binay.

Aniya, matapos ang ilang panahon, ang bangko ay maari nang ibenta at mapamahalaan ng OFW investors at stockholders.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply