Pagtatayo ng OFW bank, iminungkahi ni Binay

IMINUNGKAHI ni Vice President Jejormar Binay kay President Benigno Aqiuino III ang pagtatayo ng bangko para sa overseas Filipino workers (OFW).

Ani Binay sa isang pahayag, ang OFW bank ay mag-o-offer ng mas murang remittance rates sa mga Filipino migrant workers.

“(It) will provide an alternative yet viable economic financial and remittance institution for our kababayans at the local and international levels,” ani Binay, presidential adviser of OFW concerns, sa isang liham niya kamakailan kay Aquino.

Ayon kay Binay, ito ang magiging solusyon sa mga hinaing ng OFWs sa napakataas na remittance rates na sinisingil sa kanila ng financial intermediaries at money brokers.

“The bank will provide fair competition towards the reduction/lowering of remittance/transaction costs and provide a productive outlet for our overseas Filipinos’ savings as bank investors and shareholders,” anang bise presidente.

Ang inisyal na pondo ng bangko ay manggagaling sa government financial institutions, ayon kay Binay.

Aniya, matapos ang ilang panahon, ang bangko ay maari nang ibenta sa at mapamahalaan ng OFW investors at stockholders.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply