PAL handa sa welga

MAY nakalatag nang contingency measures ang pamunuan ng Philippine Airlines (PAL sakaling matuloy ang welga ng mga miyembro ng Philippine Airlines Employees’ Association (Palea).

Sinabi ni Jaime Bautista, pangulo at chief operating officer ng PAL, na hihintayin na lang nila ang magiging desisyon ng Malakanyang dahil iniakyat na ng Palea ang usapin sa tanggapan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ipapaubaya na lang umano nila sa Office of the President o sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagdedesisyon kung dapat magwelga ang unyon ng mga empleyado ng PAL.

Ayon kay Bautista, titiyakin ng PAL na hindi maaabala ang mga pasahero ng PAL kahit magkaroon ng welga.

Samantala, balik ulit sa “wait-and-see attitude” ang labor union sa magiging desisyon ng Malakanyang sa nakabinbing petisyon laban sa PAL.

Ayon kay Al Ramiso, board member ng Palea, nasa mula 80 hanggang 90 porsiyento umano ang naging turnout ng kanilang ginawang strike balloting  mula sa mahigit 3,000 miyembro ng union sa buong bansa. Johnny F. Arasga

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply